Hindi ko alam kung sino ang mas maswerte: ang mga ulila ba o ako na mayroon namang ama pero hindi ko naman kilala. Mabuti pa nga sana kung patay na siya – siguro mas madaling tanggapin sa loob, kaso buhay pa siya at kumakayod sa dayuhang bayan, kung gaano katagal hindi ko na pinagkaabalahang alamin. Basta ang alam ko, 6, 205 na arw, 884 na linggo, 204 na buwan at 17 taon na siyang absent sa buhay ko – sa madaling sabi, buong buhay ko. Umalis siya ng ako’y ipinanganak, at hindi pa nagbabalik mula noon. Pero hindi niya naman inabandona si Ina. Tumatawag si Ama sa bahay at patuloy ang padala sa aming mag-ina. Pero wala siya. Wa-la. Ito na ang nakatatak sa isip ko, mula pa ng ako’y namulat.
Kaya naman laking gulat ko isang araw ng may makita akong lalaki sa sala pagpasok ko sa aming bahay. Mataas siya, maputi, at maganda ang pangangatawan. Sa totoo lang mukha na siyang kanluranin. Hindi ko alam kung bakit pero natigilan ako sa pinto ng makita ko siya. Wala namang lumabas ni ha ni ho sa bibig ko, ni hindi ko maitanong kung sino siya o kung nasan ba ang ina ko. Basta, parang may nakadrugs na rabbit na nakawala sa dibdib ko.
“Mithi! Mabuti at nandito ka na, kanina ka pa namin hinihintay!” Muntik ng ibato ni Ina sa hangin ang tray ng meryenda na hawak niya ng makita niya ako, kasabay ng pagmilog ng mata ng lalaki at biglang pagtayo mula sa prenteng pagkakaupo. Nagkatinginan kami at sa hindi malamang dahilan ay pareho kaming mukhang nakakita ng multo. Anak ng pusang may balbas. Parang alam ko na ang susunod na sasabihin ni Ina.
“Mithi, siya ang Daddy mo, anak!” Sakto. Sabi na eh. Si Ina talaga, predictable.
Akala mo tumama sa lotto si Ina sa tuwa habang palapit ang lalaking diumano’y ang magaling kong Daddy, na bagama’t nakausap ko na din ng ilang pagkakataon sa telepono ay absent pa din sa buhay ko sa kabuuang, inuulit ko, 6,205 na araw, 884 na linggo, 204 na buwan at 17 taon.
“Anak ang tagal kong naghintay…” mangiyak-ngiyak niyang sabi sabay yakap sa akin at tanong ng madamdaming, “Kamusta ka na?” Letse.
“Okay, okay ako,” lang ang nasagot ko dahil baka hindi magustuhan ni Ina kung ang tunay na nasa loob ko ang sasabihin ko na, “Diyos ko naman Dad, kung nandito ka kasama namin siguro hindi mo na kailangang magtanong.”
Akala mo fiesta ang mga sumunod na araw sa bahay namin, una dahil sa dami ng pasalubong na dala ni Ama, at pangalawa, dahil sa dami ng kamag-anak at kapitbahay na dumadalaw upang hingin ang mga ito, siguro para kamustahin na rin si Ama. Laging masaya si Ina araw-araw…alam mo na. At ako? Gusto kong murahin si Ama at sasali sa buhay namin ni Ina, at wag ka, feeling close pa. Gusto ko siyang sumbatan ng isang milyong ulit dahil sa pagkawala niya ng maraming taon. Gusto kong sabihin na punong-puno ako ng ngitngit at hindi ko siya kilala. At ano ba ang akala niya sa amin ni Ina? Mukhang pera kaya sa padala niya kami binuhay at hindi siya kaniyang presensiya? Lintik naman o.
Pero siyempre hindi ko pwedeng sabihin yon dahil baka palayasin ako ni Ina, isa pa, iniisip ko din naman na baka sabihin ni Ama ay pinalaki akong walang modo ni Ina, sayang naman ang effort ni Ina di ba? Kaya ano pa nga ba ang solusyon kundi silent mode na lang ako sa bahay, magpaka busy sa eskwela tapos ay uwi at lock sa kuwarto para lang hindi ko makita si Ama at maalala ang ginawa niyang ‘pagabandona’ sa amin ni Ina.
Ganito lang ang buhay sa bahay sa mga sumunod na buwan. Hindi matutunaw ng presensiya ni Ama ngayon ang malaking butas sa aking pagktao na noon pa mang wala pa akong malay ay ginawa na niya. Basta ang alam ko, wala si Ama noong mga panahong kailangan ko siya habang ako’y lumalaki.
Naging mas madali ang buhay para sakin ng makahanap agad ng trabaho si Ama sa isang engineering company sa siyudad. Sa isang araw, nagkikita lamang kami kapag aalis na siya sa umaga at uuwi na sa gabi. Lumilipas ang isang araw na hindi kami halos nag-uusap. Yun naman ang suto ko kay Ama. Marunong siyang makahalata na hindi pa ko handa, at hindi niya naman pinipilit ang sarili niya. Marahil, maghihintay muna siya… hanggang sa maging handa na ko.
Kaso… isang gabi hindi si Ama ang napagbuksan ni Ina sa pinto, nagkus ay isang kasamahan sa trabaho. Ayon sa kaniya, nagkaroon ng aksidente sa site, at hindi na muling makakauwi pa sa amin si Ama – sa pagkakataong ito, kailanman.
Lintik naman Ama. Hindi ko lubos maisip na sa loob ng 6, 205 na araw, 884 na linggo, 204 na buwat at 17 taon na wala ka sa buhay ko, magagawa mo pa rin akong saktan ng ganito katindi ngayong wala ka na naman.
NOTE: So as promised, this is the short story that I wrote for the paper. It is out of necessity LOL. I am not very good in Tagalog though, or in drama at that. LOL. So spare me. LOL.
Eto na ang sagot sa isinulat ko..
bagay na ayaw kong mangyari kahit pa short term plan lng naman ang paglayo ko, pero bukas ako sa mga posibilidad na pwedeng mangyari! Nakaipit lang kasi ang Ama sa sitwasyon.. umalis ka dahil sa pamilya, uuwi ka para sa pamilya.. Pero parang laging may guilt feeling!
onga, tingin ko oks lang kung short term at kung may plano. tsaka kung consistent sa paliwanagan. tatay ko nung pinanganak ako di na umalis ng pinas.
winkie,
thank you, thank you ulit!
dyanie,
salamat LOL lahat naman ng tao sinabi sad ang ending LOL eh in life madalang naman talaga ang happy endings ah. LOL
PM, ok naman yung Tagalog mo ha! 🙂
well, ang sad ng story. sana naisip nung girl na para rin sa kanila kaya lumayo yung father nya. sacrifice yun noh! di madaling magtrabaho sa ibang bansa.
ang sad ng ending. hay.
yeah, i noticed that. ung hatred and hurt eh nagbabalatkayong pagmamahal. again, very nice story 🙂
K,
i think many will be able to relate to the story. sa RP pa eh number one export natin tao. it is not really hate K, it is love masked by hate. it is human nature, a defense mechanism.
winkie,
thank you. will do the same. the ending may show hate but that is superficial,. if you will look closely, that hate is but a mask that results from so much love.
oh ok, na-dala ata ako masyado! hehehe! so it’s a bit of an MMK pala. but still it’s a nice melodramatic story. and you were able to inject light mood in it from time to time! nice mix of fun and sadness. and tama ka on your comment to K, there’s hatred. feeling ko nga hatred ang ending eh (opinion lang po ah!) 🙂
hey, will link you up sa blogroll ko so i could always visit your page more often. have a nice day!
The tagalog is so deep, esp yung part na “kamukha na sya ng kanluranin”.
Nice essay, it totally relates to my family, we were just kids like the age in your story, when our father left us (like literally) to find work outside the country. For a minute there, na-miss ko tuloy father ko, kasi nauuna na kasi sya papunta dun sa taas, 9 years ago pa.
Kaya lang yung end part was not very passionate. I feel the “hate” there, well maybe that was intended, thought-provoking.
winkie,
it’s not me of course but the story of the main character, i just wrote it. LOL. it’s a tragedy kasi so it’s fun and sad at the same time. sa totoo lang, i made it in such a way that you will be left hanging, so you will continue the story in your mind.
panaderos,
she is such a selfish girl no? LOL. and i love the way you put it as suffering with quiet dignity. i just call it pride eh. LOL. Thank you bakerman!
I like the way you wrote it. Gusto ko rin ang emosyon na ipinakita ng iyong lead character. The child in your story still displayed strength of character in spite of the fact that she hated the prolonged absence her father imposed on their family. Your lead character suffered with quiet dignity.
I had wished for a happier ending but nevertheless, I must say that the ending you came up with was still a great one. Great job! 🙂
nakalungot naman ito. i feel for you. i no longer have my dad too. it’s really sad not to have a dad around esp when you know you can never be with him anymore. your story is indeed worth sharing.
ok naman tagalog mo ah! nicely written. it’s both fun and sad to read (ang weird ata ng comment ko, hehehe!) 🙂
cindyrella,
i love tragedies, that’s all. LOL.
ceemee,
it’s sad, true. but that’s life. trahedya. LOL. salamat at it’s not bad for you! LOL
utakmunggo,
LOL nako hindi far fetched sa masayang musang life ko!
panda,
thank you! LOL. kasi unlike features writing na prove ko na ang sarili ko dun, unlike short story writing, hindi pa ako masyadong convinced sa skills ko.
bw,
look at that pure tagalog comment! LOL. thank you sa iyong papuri. LOL.
sheng,
wow you are doing a magazine? that is so cool! go grab it, that would be my honor. LOL
Ang ganda ha! Bakit ba ayaw mong i-share, maganda siya! Promise! Pwedeng i-grab para sa magazine na ginagawa ko!
sa totoo lang, medyo nabawasan ang lungkot sa sinapit ni Ama dahil sa inis mo sa kanya. As isang banda, naipahayag mo ang damdamin ng isang iniwan na anak na walang kailangang drama katuland iyakan, hagulgulan at kung ano ano pang uri ng paghinagpis hehe 😯 Ayos lang ang Tagalog mo 🙂
PM! hindi naman siya mapanget ah!
asus!
kaya lang para siyang bitin… anyways, hindi rin ganun kapanget yung pagtatagalog mo…
Filipino ka ba? hahaha… Musang ka naman eh, kaya okay lang yun!
*smile!*
for a while there i thought this post was really about your life. haha
nice one.
It’s not bad… but I felt suddenly down because of the ending… parang hanging na ewan, huhu! :p
sad naman.. tama ba iyon? pero minsan mapag biro talaga ang tadhana.. everything happens for a rison day!